Bente-Bente
I. HAY-DEPINISYON May nanonood pa ba sa telebisyong luma? na dalawa lamang ang kulay, itim o puti ba? Marahil ay wala na dahil wala itong sigla Kung mas marami ang kulay ay tiyak na mas masaya Kawangis ng telebisyon ay ating kasarian Bakit pinipilit na mayro'n lang Eba at Adan? Pag-ibig ba ay para lang sa paggawa ng supling? Na kung hindi magkaanak ay pangahas ang turing? Ang pagkababae ba ay tungkol lamang sa matres? Pagkalalake ba ay base sa lalim ng boses? Mistulang telebisyon noong nayntinkopong-kopong Blak-en-whayt pa rin, hindi platskrin at hay-depinisyon. Saan nga ba nag-ugat ang ganitong kalakaran? Dapat pa rin bang makinig sa giit ng Simbahan? O dapat nating lingunin ang ating kasaysayan bago pa lipulin ng banyaga ang ating bayan? Mabuti pa noong una ay mayroong Babaylan— mga kababaihang ginagalang sa lipunan Hindi ba't mayro'n ding mga babaeng mandirigma? Ni wala ring nangungutya kapag ikaw ay bakla. Ngunit tila ang bansa ay tumanda nang paurong Pananaw sa k