Posts

Bente-Bente

Image
I. HAY-DEPINISYON May nanonood pa ba sa telebisyong luma? na dalawa lamang ang kulay, itim o puti ba? Marahil ay wala na dahil wala itong sigla Kung mas marami ang kulay ay tiyak na mas masaya Kawangis ng telebisyon ay ating kasarian Bakit pinipilit na mayro'n lang Eba at Adan? Pag-ibig ba ay para lang sa paggawa ng supling? Na kung hindi magkaanak ay pangahas ang turing? Ang pagkababae ba ay tungkol lamang sa matres? Pagkalalake ba ay base sa lalim ng boses? Mistulang telebisyon noong nayntinkopong-kopong Blak-en-whayt pa rin, hindi platskrin at hay-depinisyon. Saan nga ba nag-ugat ang ganitong kalakaran? Dapat pa rin bang makinig sa giit ng Simbahan? O dapat nating lingunin ang ating kasaysayan bago pa lipulin ng banyaga ang ating bayan? Mabuti pa noong una ay mayroong Babaylan— mga kababaihang ginagalang sa lipunan Hindi ba't mayro'n ding mga babaeng mandirigma? Ni wala ring nangungutya kapag ikaw ay bakla. Ngunit tila ang bansa ay tumanda nang paurong Pananaw sa k

Parisukat, Tatsulok, Bilog

Image
PERPEKTO Nakatitig ka sa harap ng salamin, sinusuri kung gaano kasinop ang pagkakagayak sa iyong sarili. "Isa akong likha ng sining," iyong sambit. Napangiti. Mula sa kinatatayuan mo ay nakita mo sa salamin ang nakasabit na ipinintang larawan ng Bulkang Mayon sa iyong likuran. Subalit tila may gumalaw rito, na hinati sa maliliit na parisukat at pinagpalit-palit ang puwesto. Hindi ka nakatiis. Lumingon ka at nilapitan ang larawang tila naging palaisipan. Isa, dalawa, tatlo. Masusi mong iniayos ang bawat kuwadrado sa tamang kinalalagyan nito. Nang matapos ka ay muli kang namangha. Kasingpulido ng hugis ng bulkan ay napakatalas rin ng iyong isipan. “Perpekto!” sigaw mo nang may pagmamalaki. Muli kang umikot patungo sa salamin. Subalit pagtingin mo sa iyong repleksiyon ay isang bugtong ulit ang nakita mo: ikaw naman ang nahati sa maliliit na kwadrado, at wala sa ayos ang bawat isa. Nagsimulang mahulog ang iyong mga piyesa... IKALAWANG YUGTO Matapos manalo ni Pa